Ang kalayaan ay nagbibigay ng kaligayahan sa lahat. Nararapat lang na mayroong kalayaan sa bawa’t isa dahil nagpapakita ito ng tunay na kulay sa lahat, kung ano ka saya ang isang tao. Dala-dala ang ngiti sa saya na kanilang nararamdaman. Namumuhay tayo sa mundong ito kasama ang kalayaan, kalayaang mamuhay kasama ang pamilya, nagmamahalan, at nagkaisa. Kabilang tayo sa mundo ng kalayaan. Magkaisa lamag tayo para panatilihin ang kapayapaan kasama ang kalayaan. Sa kasamaang palad hindi lang ang kaligayahan ang ipinapakita ng mga ibang tao kundi ang masamang balak na hindi inaasahang gawa. Kaya ang kalayaan ay mayroong batas na kailangang sundin para walang mangyayaring kaguluhan. Kalayaan, susi sa kaligayahan! Ang kaligayahang kinakamit bawa’t isa, pinagtagumpayan ng pagkakaisa, at pagmamahalan. Kalayaan ng tao, ng hayop, ng kalikasan, at ang paraiso ng mundo! Pananalangin at pagmamahal ng bawa’t isa sa kalayaang magtagumpay ang lahat. Magkaisa para sa Kalayaan!
No comments:
Post a Comment