Ang pagkakaroon ng isang kaibigan sa buhay ay nagbabahagi ng pagkakaroon ng koneksyon sa iba pang tao sa labas ng ating kabahayan. Didto nagsisimula ang pagkaroon ng kaalaman kung paano simulan ang pagkakaisa at kung papaano ipatibay ang samahan. Dito mo rin ma patunayan kung sino ka sa buhay na nagmamahal ng isang kaibigan at kung sino ka sa iyong buhay. Meron tayong kaibigan na pinagpilian dahil sa maganda niyang loob at mabuti siyang kaibigan. Meron naman tayong kaibigan na pagkakataon nating makiisa sa kanya kahit sa maliit man na panahon pero iisa parin kayo habang buhay, at sa panghuli meron tayong kaibigan na gusto nating baguhin dahil nararapat niya na mayroong isang kaibigan na kusang baguhin ang isang kaibigan na nagpasya ng maling decisyon sa buhay, at sa pagturo natin kung ano ang tama at mali na decisyon sa kanya ay maibabago niya ang paraan niya sa buhay.
Sa aking buhay ay nagkaroon ako ng kaibigan na totoo, mapag-alaga, mapagmahal, turing kong isa sa mahalagang tao sa buhay ko, at nagpapabago sa aking sarili. Di naman mawawala yung mga kaibigan na masasabi kong plastik pero wala naman akong pake. Ngayon ay paguusapan ko ngayon tungkol sa mga kaibigan ko na gusto kong baguhin at nagpapabago sa akin, pagkakataon na isa sa kakaibiganin ko, at pinipili ko na isa sa kaibigan ko sa buhay.
No comments:
Post a Comment