Sa ating buhay nakaranas na tayo ng kabiguan araw-araw o kaya'y sunod-sunod na maling pasya na binitawan. Maaaring magiging lungkot tayo dito dahil sa maling pasya- sa huli lang makikita ang mali. Ngunit, dito tayo nakabatay at makintindi kung ano ang tamang gawin o kaya sa kasabihan ng iba na "Trial and Error" sa paglalatis. NAPAGTANTO MONG HINDI ITO ANG KATAPUSAN.
MAKAKATULONG ITONG TUKUYIN MULI ANG PRIYORIDAD SA BUHAY. Sa unang pangungusap pa lamang ay tumutukoy na ito sa priyoridad sa buhay. Tayo bilang isang taong maraming gustong makamit na bagay sa buhay dahil masaya tayo nito dito. Pinagsikapan ang pangarap ngunit nabigo. Masakit man sa ating lagay na kinalungkutan natin ang isang pangarap. Dito natin mapagtanto na ibahin ang priyoridad at pangarap natin sa buhay. Kung sakali mang importante mo ang tagumpay kaya baguhin mo ang bagay na pangangarapin mo.
Ang huling aral na ibabangit ko ay hindi na nakabatay sa research ko, itong aral na ito ay nakabatay sa nagawa ko kanina; ito yung "HINDI KO NA ITO GAGAWIN MULI.". Hindi lang sa akin to maririnig kundi sa lahat ng taong nagkakamali. Dahil kanina ay gumamit ako ng isang Microwave para initin uli ang pagkain. Ang mali na nagawa ko ay hindi ko inilagay sa tray ang pagkain kundi nasa plastik na lalagyan, ayun na sunog ang plastik kasama ang pagkain. Ang pagkain ay nandoon na iyon sa plastik na lalagyan. Ang rason bakit ko yun na gawa dahil sa nakalagay na"microwave safe" nakalimutan ko ano ang nakasulat pero yan ang pagintindi ko kahit alam kong plastik yun. Tao rin ako kaya maaabot rin ako sa lagay ng kabobohan kahit may pinag-aralan ako.
Ang masasabi ko lang sa pagkabigo ay dito tayo magbabago at malalaman kung nagkamali ba ako o kaya'y kulang ba ang ginawa ko para sa pagsusuri. WAG MALUNGKOT SA PAGIGING BIGO SA BUHAY, BASEHAN MO ITO SA PAGBABAGO AT SA PAGKAKAROON NG KAALAMAN SA BAGAY-BAGAY.
R.L. Adams. (n.d). 21 Important Lessons Learned From Failure. Wanderlust Worker. https://www.wanderlustworker.com/21-important-lessons-learned-from- failure/#:~:text=I%20can%20almost%20assure%20you,money%2C%20relationships%2C%20and%20 people.
No comments:
Post a Comment