Wednesday, 13 January 2021

Halaga ng Buhay

 


      Buhay ay isang malaking regalo na natatanggap ng mga nabubuhay. Itong regalo ay para makita ang kagandahan ng mundo at maranasang mabuhay sa mundong ito. Naranasan nating mabuhay kasama ang pamilya natin, kaibigan, at ang iyong minamahal. Naranasan nating maging masaya, matakot, malungkot, at paninindigan. Sa mga araw na nabubuhay tayo ay isang malaking regalo para sa atin.


      Para sa akin ang kahalagahan ng buhay ay pagkaloob kong pahalagahan ito dahil isa ito sa aking na tanggap na regalo hanggang ngayon. Parang nagaalaga ka lang ng laruan, iniingatan, pinapahalgahan dahil minahal ko ito, katulad sa pagmamahal ko  sa aking sarili. 

  

      Ang layunin ko dito sa mundo ay ang pamumuhay ng matagal, alamin ang lahat, magkaroon ng isang gawaing pinapangarap kong gawain. Sakali mang magagawa ko iyon ay maghahanap nanaman ako ng gawaing pangangarapin o kaya'y maging masaya sa mga huling sandali.


      Para kanino ako na bubuhay, bumubuhay ako para sa aking sarili, bilang parte sa pamilya at sa bubuong pamilya sa paglaki. Pagmamahal ang halaga sa aking buhay. 


     Mahalaga ang buhay.Maging masaya. Maranasan. At alamin ang mundong kinabubuhayan.

No comments:

Post a Comment

I'm talking about the Media and Information Literature

         Media Information and Literature discuss on a kind of literacy like media literacy, new media literacy, broadcast literacy, print m...