Saturday, 6 February 2021

Iwasan ang Diskriminasyon

     Diskriminasyon sa lahi ng tao ay isa sa mga masasakit na pamamaliit at pagmamaltrato sa mga taong para sa kanila ay hari't reyna sa kanilang tanaw sa kanilang sarili. Karamihan ng tao ay nagawang pamamaltrato ng basura sa mga biktima nila. Hindi lang sa pisikal na ka anyuan ng tao ang ma bibiktima ng diskriminasyon, pati rin ang edad at kakayahan ng isang tao. 

     Paano nating pagiiwasan ang diskriminasyon sa kakayahang nating mga tao, kahit nagmula sa ating mga tao ang ganitong isyu sa mundo? Kung tayong mga tao ay mapanghusga ay tignan muna natin ang ating sarili kung tayo man ang huhusgahin, mararanasan mo ang sakit na mula sa mga salita. Gayun man ay sumasailalim ka sa iyong sarili at bago ka humusga ay kailangan makikita mo ang kakayahan ng isang tao. Hindi lahat na minamaltrato ay kayang panindigan ang kanyang sarili sa lahat kung ano ang kanyang kakayahan. Kahit matanda o sa pisikal na kaanyuan. Kaya ang solusyon ng diskriminasyon ay ang pagaralin natin ang ating pag-uugali tungo sa mga kalahi natin at sa mga dayuhan. 

     Nasa atin ang kapalarang iwasan ang diskriminsayon dahil ang diskriminasyon ay ng galing sa ating kilos nating mga tao. Kung ikaw ay tutol sa diskriminasyon ay ayusin muna ang iyong sarili at pag-aaralin ang tama at maling kilos.

No comments:

Post a Comment

I'm talking about the Media and Information Literature

         Media Information and Literature discuss on a kind of literacy like media literacy, new media literacy, broadcast literacy, print m...